Bersyon 1.1 (Nirebisa Mayo 18, 2018)
Inilalarawan sa Patakaran sa Katangga-tanggap ng Paggamit na ito ang (ang “Patakaran” na ito) ang mga ipinagbabawal na paggamit ng software o mga serbisyo, kabilang ang anumang update (bawat isa, ay “Solusyon”) na inaalok ng Avast Software, s.r.o. o ng mga affiliate na tinukoy dito (“Vendor”), anumang mga user manual na ibinigay kasama ng Solusyon (“Dokumentasyon”). Hindi kumpleto ang mga halimbawang inilalarawan sa Patakarang ito. Maaari naming baguhin ang Patakarang ito anumang oras sa pamamagitan ng pagpo-post ng nirebisang bersyon sa website na ito. Kung lalabagin mo ang Patakarang ito, o pahihintulutan o tutulungan mo ang iba na gawin ito, maaari naming kaagad na suspindihin o wakasan ang iyong paggamit ng alinman sa o lahat ng aming Solution. Ang mga terminong nakasulat sa malalaking titik na hindi binibigyang-kahulugan ng Patakarang ito ay may mga kahulugang ibinibigay ng Kasunduan sa Lisensya ng End User (ang “Kasunduan”) para sa Mga Solusyon na makukuha dito.
1. Hindi mo maaaring kopyahin o gamitin ang anumang Solution o Dokumentasyon maliban kung pinahihintulutan ng Kasunduan.
2. Hindi mo maaaring gawin, at hindi mo maaaring pahintulutan ang sinumang ikatlong partido na:
2.1. gumamit ng anumang code sa pagpapahintulot, numero ng lisensiya, kumbinasyon ng username/password o iba pang code sa pag-activate o numero na mula sa Nagbebenta kaugnay ng anumang Solution (“Activation Code”) sa, o para sa, bilang ng mga Device na mahigit sa tinutukoy sa Mga Naaangkop na Kondisyon;
2.2. magbunyag ng anumang Activation Code sa anumang panig maliban sa Vendor o sa mga itinalagang kinatawan ng Vendor;
2.3. maliban kung tahasang pinapahintulutan ng batas: (i) i-reverse engineer, i-disassemble, i-decompile, isalin, i-reconstruct, i-transform o i-extract ang anumang Solution o anumang bahagi ng Solution (kabilang ang anumang nauugnay na malware signature at proseso sa pag-detect ng malware); o (ii) baguhin, i-modify o galawin sa anumang paraan ang anumang Solution (kabilang ang anumang nauugnay sa mga malware signature at proseso sa pag-detect ng malware);
2.4. maliban kung pinahihintulutan ng isang kasunduan sa pamamahagi, kasunduan sa reseller o ibang kasunduan sa pagitan mo at ng Vendor o iba pang miyembro ng Grupo ng Vendor, mag-publish, mag-resell, mag-distribute, mag-broadcast, mag-transmit, magbunyag, magbigay, magrenta, magbahagi o mag-sublicense ng anumang Solution;
2.5. maliban kung tahasang pinahihintulutan ng Kasunduan, ang Mga Naaangkop na Kundisyon o ibang kasunduan sa pagitan mo at ng Vendor o iba pang miyembro ng Grupo ng Vendor, gumamit ng anumang Solution para pamahalaan ang mga pasilidad ng isang third party o magbigay ng access sa anumang third party sa o sa paggamit ng anumang Solution sa isang service bureau, timesharing, serbisyo ng subscription o application service provider o iba pang katulad na paraan;
2.6. gumamit ng anumang Solution para magbigay o bumuo ng produkto o serbisyo na nakikipagkumpitensya sa Solution;
2.7. gumamit o sumubok na gumamit ng anumang Solution para: (i) labagin ang Patakarang ito; (ii) mag-upload, mag-download, mag-stream, mag-transmit, kumopya o magbahagi ng anumang impormasyon, data, o mga materyales, o sumali o tumulong sa anumang aktibidad, na maaaring: (A) makalabag sa mga karapatan sa intellectual property o iba pang mga karapatan ng anumang third party; (B) maglaman ng anumang uri ng content na hindi naaayon sa batas, nakakapinsala, nakakapagbanta, abusado, nagpaparatang o kung hindi naman ay hindi kanais-nais; (C) makapinsala o sumubok na makapinsala sa iba; (D) magkaroon ng potensyal na mag-udyok o gumawa ng pagkilos na hindi naaayon sa batas, nakakapinsala, nakakapagbanta, abusado, nakakapanligalig, hindi makatwiran, nagpaparatang, nakakapanirang-puri, bulgar, bastos, lumalabag sa privacy ng iba, mapoot, o may diskriminasyon sa lahi, etnisidad, relihiyon o kasarian, o kung hindi naman ay hindi kanais-nais; (E) mag-promote o magbigay ng impormasyong nagtatagubilin tungkol sa mga ilegal na aktibidad, mag-promote ng pisikal na pinsala laban sa anumang grupo o indibidwal, o mag-promote ng anumang akto ng kalupitan sa mga hayop; (F) magpanggap bilang tao o entity o kung hindi naman ay magsinungaling tungkol sa iyong kaugnayan sa isang tao o entity; o (G) tumulong sa anumang panloloko, panlilinlang o pagnanakaw; (H) siraan, salantahin o pahinain ang operation ng, o magkaroon o sumubok na magkaroon ng hindi pinahihintulutang access, pagtanggap, paggamit, pagkopya, pagbabago o pagsira ng o sa, anumang ari-arian, mga Device, software, mga serbisyo, mga network o data sa anumang paraan, kasama ang sa pamamagitan ng pag-hack, phishing, pag-spoof o paghangad na lusutan o talunin ang anumang firewall, proteksyon ng password o iba ang proteksyon ng information security o anumang uri ng kontrol; (iii) sa anumang paraan ay labagin ang anumang naaangkop na lokal, pambansa o international na batas o regulasyon; (iv) mameke ng mga header o kung hindi naman ay magmanipula ng mga identifier upang itago ang pinagmulan ng anumang content na ipinadala sa pamamagitan ng paggamit sa Solution; (v) mag-upload, mag-post, mag-email o kung hindi naman ay mag-transmit ng anumang hindi hinihingi o hindi pinaghihintulutang advertising, mga promosyonal na materyales, “junk mail,” “spam,” mga “chain letter,” o mga “pyramid scheme”; o (vi) mangolekta o mag-imbak ng personal na data nang hindi nalalaman at walang tahasang pahintulot ng data subject;
2.8. sirain, pahintuin o pahinain ang operation ng, o magkaroon o sumubok na magkaroon ng hindi pinahihintulutang access sa, anumang Solution o sa anumang ari-arian, mga Device, software, mga serbisyo, mga network o data na nakakonekta sa, o nakikipag-interoperate sa, naturang Solution, o sa anumang content o data na nakaimbak, ina-access o hinahatid sa pamamagitan ng naturang Solution, sa anumang paraan, kasama ang sa pamamagitan ng pag-hack, phishing, pag-spoof o paghangad na lusutan o talunin ang anumang firewall, proteksyon ng password o iba ang proteksyon ng information security o anumang uri ng kontrol;
2.9. mag-test o mag-benchmark, o magbunyag o mag-publish ng mga resulta ng testing o benchmark, para sa anumang Solution nang wala ang nakasulat na paunang pahintulot ng Vendor; o
2.10. talunin o lusutan, subukang talunin o lusutan, o pahintulutan o tumulong sa anumang third party sa pagtalo o paglusot sa mga kontrol sa paggamit ng mga kopya sa anumang Solution.
3. Mga Pagsasalungat. Ang Kasunduan ay maaaring naglalaman ng mga katulad o karagdagang paghihigpit sa iyong paggamit ng isang Solution. Kung at sa hangganang nagkakasalungat ang Patakaran at Kasunduan, mangingibabaw ang mga probisyong naghihigpit.