Generator ng Random na Password

Kaagad na gumawa ng mga malakas at secure na password para panatilihing ligtas ang iyong account online.

Avast Free Antivirus

Malakas ang password mo — bakit hindi rin palakasin ang seguridad ng iyong device?

I-download ang aming libreng antivirus para i-scan ang mga isyu sa seguridad at performance, matutulungan kang agad na ayusin ang mga ito. Real time ka ring pinoprotektahan nito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga hindi kilalang file bago maabot ng mga ito ang iyong PC — lahat ay libre.

Available din para sa Mac, Android, at iOS

Available din para sa PC, Android, at iOS

Available din para sa Mac, PC, at iOS

Available din para sa Mac, PC, at Android

Kailangan ng mabilis na paalala tungkol sa pinakamahuhusay na kasanayan sa password? 

Narito ang aming mga nangungunang tip para sa kung ano ang bumubuo sa malakas na password na mahirap hulaan, maliban sa paggamit ng aming generator ng password mismo. Iminumungkahi naming magtuon ka sa haba, pagiging kumplikado, at natatangi ng password.

Mahaba
Mas mahabang password, mas sigurado ito. Ang matibay na password ay dapat may 10 na mga letra.
Kumplikado
Ang matibay na kumbinasyon ng password ay binubuo ng letra, numero, malalaki at maliliit na titik, at simbolo para makabuo ng hindi mahuhulaang magkakasamang character na walang nabubuong salita o pangalan.
Kakaiba
Ang malakas na password ay dapat natatangi sa bawat account para mabawasan ang tiyansa na mabuksan ng ibang tao.

Mga FAQ nga generator ng password

May mga tanong tungkol sa generator ng random na password na ito? Nasa ibaba ang mga sagot!

Oo naman. Gumagamit ang aming Generator ng random na password ng Avast ng matematikal na entropy para gumawa ng random na password na binubuo ng mga numero, titik, at simbolo. Ganap na random at hindi ipapadala sa internet ang mga character na na-render mula rito sa awtomatikong generator ng password. Mahalaga ito sa pagbibigay sa iyo ng pinaka-secure na password sa proseso ng pag-generate ng password. 

Walang sinuman, kahit ang Avast, ang makakakita ng iyong pribado, personal na password. Hindi rin namin sino-store ang impormasyon tungkol sa mga password na ginagawa mo gamit ang aming generator.

Narito ang limang mahahalagang dahilan para gumamit ng generator ng malakas na password:

  1. Ang mga hacker ay may mga paraan para mahulaan ang password sa loob ng ilang segundo: Nagbibigay-daan ang mga brute force attack sa mga cybercriminal na subukan ang milyun-milyong password nang mabilis, lalo na ang maiikling password o ang mga nauugnay sa mga karaniwang salita.
  2. Gumagawa ang maraming tao ng mga password na madaling hulaan: Kadalasan, gumagamit ang mga tao ng mga karaniwang salita, pangalan, o nahuhulaang pattern para sa mga password. Ito ang dahilan kung bakit mahina sa mga dictionary attack ang mga ganitong uri ng password.
  3. Higit na mas malakas ang mga password na random na na-generate: Ang isang tunay na na-randomize na password na may malalaki at maliliit na titik, numero, at simbolo ay higit na mas mahirap hulaan kaysa sa gawa ng tao.
  4. Magagawa ng mga keylogger at malware na nakawin ang mga password na tina-type mo: Nire-record ng unang nabanggit ang lahat ng tina-type mo, pati mga password, samantalang mahaharang naman ng ibang uri ng malware ang mga login o mananakaw ang mga naka-save na kredensyal.
  5. Iminumungkahi naming pagsamahin ang mga malakas na password at software ng cybersecurity: Nagbibigay ng magandang simula ang mga malakas na password, pero para sa mga detalyadong digital na seguridad, makakapag-alok ang software gaya ng Libreng Antivirus ng Avast ng higit na kapanatagan ng loob.

Oo, napakahalagang magkaroon ng kumplikado at natatanging password para sa bawat account online na mayroon ka. Kapag nag-leak ang mga password dahil sa paglabag sa seguridad, kadalasan, tinatago ng mga hacker ang mga ito sa isang database ng mga nag-leak na password. Puwede ring ilantad ang impormasyong ito sa dark web.

Kung mukhang matrabaho ang paggawa ng bagong password para sa bawat account online na mayroon ka, makakatulong sa iyo ang paggamit ng aming generator ng malakas na password. Ang aming libreng generator ng password ay madaling gamitin at makakatulong sa iyong pigilan ang pagkakakilanlan mo na mapunta sa dark web, kung saan magagamit ito ng mga hacker at cybercriminal para pagsamantalahan.

Narito ang mga halimbawa ng 10 pinakamasamang password na puwedeng mayroon ka. Ipinapakita ng mga karaniwang password na ito na madaling piliin ng sinuman ang mga password na madaling i-hack. Sa halip ay gumamit na lang ng algorithmic generator (tulad ng nasa itaas)!

  • 123456
  • Password
  • 12345678
  • Qwerty
  • 12345
  • 123456789
  • Letmein
  • 1234567
  • Football
  • mahalkita
     

Tandaan, ang mga password na ginawa ng tao ay mga mahihinang password. Ang utak ng tao ay hindi kayang makipagkumpitensya sa isang server na nanghuhula ng bilyun-bilyong permutasyon bawat segundo.

Gumagamit ang mga na-hack na password ng mga karaniwang salita at parirala. Pigilan ang dictionary attack gamit ang isang malakas na password. I-bookmark ang page na ito para lagi kang makabuo ng mga random na character sa hinaharap.

Ang pinamagandang uri ng generator ng password ay gumagamit ng cryptographic na entropy para bumuo ng mga random na password para magamit online. Gayunpaman, binuo namin ang Avast ng password generator para alisin ang pagkabigo na iyon habang nagsisilbing libreng password generator para sa publiko. Umaasa lang ang webpage sa iyong device bilang panggawa ng password. Nagbibigay sa iyo ang awtomatikong generator ng random na password ng mga password na de-kalidad, ligtas at secure na gamitin online at offline.

Nakabuo kami ng isang tunay, malakas na generator ng password na hindi gagawa ng isang pekeng password o hindi mag-iimbak ng iyong mga detalye sa online. Bilang resulta, walang napupunta sa online, ginagawa itong mas ligtas na karanasan. Kaya naman, gamitin ang aming secure na generator ng password sa iyong browser upang lumikha ng isang natatanging password. May kahanga-hangang reputasyon ang aming organisasyon bilang isang kumpanyang sineseryoso ang kaligtasan at seguridad.

Pinapadali ng Avast random password generator ang pag-secure ng iyong account. Magagawa mong mag-generate agad ng mga random at malakas na password sa page na ito. Ganito ito gumagana:
 

  1. Gamitin ang toggle ng Haba ng password at kahon ng pagpili ng Mga character na nagamit para ayusin ang haba ng password at isama ang mga character na gusto mo.
  2. Ang bahagi kung saan lalabas ang iyong bagong password ay magbibigay sa iyo ng ideya tungkol sa lakas ng password, mula sa Pinakamahina, Mahina, at Maayos hanggang sa Malakas at Napakalakas.
  3. Kung ikaw ay nasa PC, Mac, o mobile device, i-click o i-tap ang button na Kopyahin para kopyahin ang iyong napiling password.
  4. Ilapat ang password na na-generate mo sa isang account online na gusto mo para gawin itong mas secure.

Hindi ka maha-hack sa aming Generator ng random na password. Bakit? Una, hindi ipinapadala sa internet ang mga password na ginagawa mo sa page na ito. Hindi rin namin makikita kung ano ang na-generate mo dahil hindi namin sino-store ang data na ito. Kapag walang naka-store na data ay hindi ito maa-access ng mga hacker, kaya mas ligtas ka. Ikaw lang ang makakakita sa mga character na nire-render ng sarili mong computer o mobile device — sa loob lang ng web browser mo. Pangalawa, isa kaming kilalang brand ng cybersecurity, tinatangkilik ng isa sa pinakamalalaking network ng consumer ng Kaligtasan sa Cyber.

Oo, puwede kang mag-store ng mga password nang mas ligtas gamit ang secure na tagapangasiwa ng password na may madaling gamiting two-factor na pag-authenticate at secure na pag-sync, bilang halimbawa. Bukod pa rito, pareho sa dapat mong pag-iwas sa mga scam na website, dapat mo ring iwasang ibahagi ang mga password mo.

Ang ligtas na password ay malakas, natatangi, at mahirap na hulaan ng mga hacker. Puwede mo ring sundin ang mga pangunahing tip na ito:
 

  • Gumamit ng hindi bababa sa 16 na character na may magkakahalong titik, numero, at simbolo.
  • Huwag gumamit muli ng mga password sa maraming online na account para mas maging ligtas ka sa mga strike sa paglabag sa seguridad.
  • Iwasang mag-save ng mga password sa iyong mga web browser para mabawasan ang pagkakataong ma-access ang mga ito ng mga malilikot na kamay at hacker.
  • Gumamit ng generator ng password, gaya ng aming Generator ng random na password sa Avast para sa simpleng paraan para makagawa ng mga mas epektibong password.
  • Ligtas na i-store ang mga password sa isang secure na tagapangasiwa ng password, hindi sa isang hindi secure na lokasyon online o sa plain na text.